September 25, 2009

mapait.

Dalawa sa concepts na tinuturo sa atin ng bawat religion ay ang mga salitang "Fate" at "Faith". Dalawang salitang halos magkatunog at kumbaga ay pwede na ding tawaging homonyms. Pero kung pag-iisipan mo ang mga bagay bagay, ang tanging pareho lang sa mga words na ito ay ang unang dalawang letters nila (at siguro yung pagbasa kung may isfich depek ka). At kung pagsasamahin mo si Fate at Faith sa loob ng isang room, tiyak rambol yun.

Sa religion natin, tinuturuan tayo na maniwala sa mga bagay na walang physical proof. Hindi natin nakikita, hindi natin nararamdam. Hindi natin maintindihan, pero dapat kailangang paniwalaan. Ang dahilan nila? Dahil ang supreme being daw ay beyond comprehension. Walang ebidensiya kundi ang libro at ang mga himala sa panahon ngayon na kadalasan halatang bogus. Kaya ano ang panghahawakan natin? Faith. Pananampalataya. Maniwala at magtiwala. Maniwala sa lahat ng sinasabi, nababasa at kinukwento sa atin. Dahil yun lamang ang namamagitan. Tayo <-> Faith <-> Religion. Kung wala si Faith, empty at void ang connection natin kay Manong R.

Sa pananampalataya natin, kelangan natin sumunod sa mga utos, sa mga nasusulat. Sa konsepto ng tama at mali, higit sa common logic, nadidiktahan din tayo ng religion na gawin ang tama. Kapag gumawa tayo ng mali, madalas magkakasala, magkakaroon ng kasalanan. Kelangan natin umaction sa mga choices na kung saan ang decisions natin ay nadidiktahan ng faith. Dito naaayon ang kahihinatnan natin sa future. Ang umayon sa pananalampalataya, pinagpapala. Isa sa pinakamalaking regalo sa atin ay ang free will. Kaya dapat sa pagpili natin, siguraduhing ikabubuti ng buhay natin ang resulta. Ayos na, mabubuhay tayo leading a very faithful life.

Tapos biglang tatambad satin ang konsepto ng fate, ng itinakda. Na sa bawat nilalang, merong itinakda. Kung pinanganak kang mahirap, kahit anong pagsisikap mo, hindi ka yayaman kung itinakda ka na mahirap. Fate mo yun. Kahit healthy living ka, kung oras mo na mamatay ngayon, aatakihin ka sa puso. Fate mo din yun. Hindi natin malaman kung ala-Choose your own adventure ba yung depinisyon ng fate sa tao. Na kumbaga, magbabago ang fate mo depende sa kung anong pipiliin mong decision sa buhay. Kung ganun ang depinisyon, mas nakakalinaw. Pero may isang istorya na talagang nakakagulo ng utak ukol sa kung ano ba talagang ibig sabihin ng salitang ito.

Sa istorya ng pagbetray ni Hudas kay Jesus, hindi natin maikakaila na merong pananampalataya si Hudas. Hindi niya gustong ipagkalulong si Bosing niya, pero kelangan niya itong gawin. Dahil ito ang itinakda. Kelangan niya ipagkalulong para mahuli si Bosing. Kelangan mahuli ni Bosing para matuloy ang planong isakripisyo ang sariling anak para masave ang sanlibutan. Kelangan itong mangyari. Fate ni Hudas na maging hudas.

O sabihin na natin na gusto talaga niya ipagkalulong si Bosing niya. Hindi din naman natin masasabi dahil wala tayo sa katayuan niya di ba. Malay natin kung talaga gusto niya yung mga pilak na yun more than yung serbisyo niya kay Bosing. Pero kung sakali bang pinili niya na hindi ibenta si Bos, anong manyayari? Hahayaan na lang? Live peacefully? Hindi na masesave ang sanlibutan? Or gagawa ng way ang tadhana para masilaw ulit si Hudas para finally ipagkalulong na niya si Bosing niya?

Eto na yung part na magdidisclaimer ako. Hindi naman sa wala akong pananampalataya. Meron, actually. Pero hindi naman masamang magtanong di ba? Sa tingin ko part ng pagbibigay niya ng free will ay ang karapatan natin para maging curious. Hindi naman sa kinekwestiyon ko, gusto ko lang malinawan.

Paano nga ba pagsasamahin ang konsepto ng Faith at Fate?

Do I need to have faith in my fate?

No comments:

Post a Comment