September 25, 2009

communion.

hindi naman na bago sa atin ung tuwing magsisimba tayo e kumakain tayo ng hostiya pag oras na ng komunyon.

un ung banal na sandali (tm) na kung saan ung mga taong nagsimba e tatayo, pipila, magdadasal sa pila, maglalakad ng mabagal sa pila, magpapaypay etc etc, tapos pagdating sa dulo e ilalawit ang dila para malagyan ng pagkanipis na "tinapay" sa dila tapos lulunukin nila yon (dahil narinig din nila somewhere na kapag dumikit sa ngala ngala mo ung hostiya e hindi daw pinatawad ang kasalanan mo) tapos maglalakad sa gilid nung mga nakapila at magtataas ng kamay o kaya e tatagilid para magkasya ung katawan nila dun sa maliit na space sa pagitan ng mga taong nakapila at ung mga upuan.

e sanay naman na tayo jan. kaya siguro ung iba hindi na nagtataka pag yung mga ibang nagsisimba e hindi na nagbobother na tumayo at makipila at makikain ng hostiya. iniisip siguro nung mga nakapila e antatamad naman nung mga nakaupo.

pero alam nyo bang may isang matinding SOMETHING sa hindi pagkain ng hostiya? alam mo bang baka mas mauna pa sila sa langit kesa sayo!?!

yep. yari ka.

flashback....grade 6 ako sa marist school. titser ko pa sa homeroom ang napaka-cute na si Ms.Bonilla. napagusapan sa homeroom period ung kumonyon.

nagtatawanan pa kaming lahat dahil sabi nung bozo naming kaklase na umuulit ulit daw siya ng pagpila sa komunyon para maka-score ng hostiya.

tas sabi ni Ms.Bonilla masama daw yon. mauuna sa impyerno ang kaklase naming bozo.

kasi daw, dapat wala kang kasalanan pag nag komunyon ka. dapat ika'y puro at walang bahid ng pagkakasala. hindi pala pwedeng magkomunyon ka lang basta basta. dapat e taos puso ka daw munang humingi ng tawad at nagrepent.

dun nagsimula ang aking hostiyaphobia.

sa totoo lang e takot akong magcommunion. bakit kamo? pano naman kasi, sige kunwari, given na na nangumpisal ako bago magsimba. tapos edi kumpisalan na. may nakita akong nakakatawang panget na tao. at natawa ako bigla dahil subconciously e nalait ko pala siya. nagkasala na ba ako non? hindi na ba ako agad worthy mag communion? pag ba nag communion padin ako matapos kong magkasala ng ganun e mapapalapit ba ko sa pinto ng langit o sa nagliliyab na bunganga ng impyerno?

nakaka praning diba? =\

ang ginagawa ko na lang e habang nasa pila ko ng komunyon e nagsosorry na ko sa mga kasalanan ko tas ung mata ko e naka fix na lang sa mga kamay ko para hindi na ko magkasala pa bago mag communion.

iniisip mo siguro na edi wag na lang sana ko magkomunyon diba?

perooooooo.........ewan, ang sarap kasi ng pakiramdam na nakakapag communion. diba ung communion e parang wordplay sa phrase na to COMMUNE, meaning para makihalubilo, makisalo kumbaga. e diba dun naman nagmula un? nung nag last supper sina Jesus, diba yun naman ung communion? nung time ba na yon e pinag kumpisal ba ni Jesus ung mga disipolo nya bago nya pinakain at pinainom ng alak? hindi naman diba?

pinakain pa nga nya pati si HUDAS. na nung time na yon e malamang mamatay matay na sa guilt-trip dahil sa ilang minuto lang e ipagkakalulo na nya yung Boss nya na nagpapakain sa kanya nung time ng last supper.

all these rules and technicalities confuse and blind us.

baka hindi na natin nakikita ung talagang essence ng communion dahil sa kung ano anong laws at procedures na inaakala nating kelangan nating sundin. when in fact, ang prime purpose ng communion is to be one with our God, one with our community, and be at peace with ourselves. eto ung parte ng misa na pinakasagrado sabi nga, ung liturgy of the eucharist, so siguro dito talaga tayo dapat maging involved at makisali.

kasi kaya ka nga nagsisimba dahil makasalanan ka diba?

hindi ka naman magpapa-ospital kung wala kang sakit.....diba?


4 comments:

  1. Hindi din ako nagko-communion. Hindi din ako masyadong nagsisimba sa Catholic Church, kahit Katoliko ako. Sorry naaaa...

    I really have nothing against Catholicism, kaso masyado lang maraming tradisyon na dapat i-follow. Nakakalito sa dami.

    ReplyDelete
  2. yeah sana gawin nilang mas simple no? tsaka andaming tayo-upo-luhod-tayo-luhod-upo-tayo-upo-luhod

    ReplyDelete
  3. bakit sa akin ang sinabi e bawal ka mangomunyon kung nakamiss ka ng isang sunday mass until magconfess ka?

    ReplyDelete
  4. https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/2014/01/18/pangongomunyon-kahit-hindi-pa-nangungumpisal-pwede-na/

    ReplyDelete