non-animals (4) non-homily (1) non-questions (2) non-sense (5) non-vision (3)
Showing posts with label non-questions. Show all posts
Showing posts with label non-questions. Show all posts

September 25, 2009

mapait.

Dalawa sa concepts na tinuturo sa atin ng bawat religion ay ang mga salitang "Fate" at "Faith". Dalawang salitang halos magkatunog at kumbaga ay pwede na ding tawaging homonyms. Pero kung pag-iisipan mo ang mga bagay bagay, ang tanging pareho lang sa mga words na ito ay ang unang dalawang letters nila (at siguro yung pagbasa kung may isfich depek ka). At kung pagsasamahin mo si Fate at Faith sa loob ng isang room, tiyak rambol yun.

Sa religion natin, tinuturuan tayo na maniwala sa mga bagay na walang physical proof. Hindi natin nakikita, hindi natin nararamdam. Hindi natin maintindihan, pero dapat kailangang paniwalaan. Ang dahilan nila? Dahil ang supreme being daw ay beyond comprehension. Walang ebidensiya kundi ang libro at ang mga himala sa panahon ngayon na kadalasan halatang bogus. Kaya ano ang panghahawakan natin? Faith. Pananampalataya. Maniwala at magtiwala. Maniwala sa lahat ng sinasabi, nababasa at kinukwento sa atin. Dahil yun lamang ang namamagitan. Tayo <-> Faith <-> Religion. Kung wala si Faith, empty at void ang connection natin kay Manong R.

Sa pananampalataya natin, kelangan natin sumunod sa mga utos, sa mga nasusulat. Sa konsepto ng tama at mali, higit sa common logic, nadidiktahan din tayo ng religion na gawin ang tama. Kapag gumawa tayo ng mali, madalas magkakasala, magkakaroon ng kasalanan. Kelangan natin umaction sa mga choices na kung saan ang decisions natin ay nadidiktahan ng faith. Dito naaayon ang kahihinatnan natin sa future. Ang umayon sa pananalampalataya, pinagpapala. Isa sa pinakamalaking regalo sa atin ay ang free will. Kaya dapat sa pagpili natin, siguraduhing ikabubuti ng buhay natin ang resulta. Ayos na, mabubuhay tayo leading a very faithful life.

Tapos biglang tatambad satin ang konsepto ng fate, ng itinakda. Na sa bawat nilalang, merong itinakda. Kung pinanganak kang mahirap, kahit anong pagsisikap mo, hindi ka yayaman kung itinakda ka na mahirap. Fate mo yun. Kahit healthy living ka, kung oras mo na mamatay ngayon, aatakihin ka sa puso. Fate mo din yun. Hindi natin malaman kung ala-Choose your own adventure ba yung depinisyon ng fate sa tao. Na kumbaga, magbabago ang fate mo depende sa kung anong pipiliin mong decision sa buhay. Kung ganun ang depinisyon, mas nakakalinaw. Pero may isang istorya na talagang nakakagulo ng utak ukol sa kung ano ba talagang ibig sabihin ng salitang ito.

Sa istorya ng pagbetray ni Hudas kay Jesus, hindi natin maikakaila na merong pananampalataya si Hudas. Hindi niya gustong ipagkalulong si Bosing niya, pero kelangan niya itong gawin. Dahil ito ang itinakda. Kelangan niya ipagkalulong para mahuli si Bosing. Kelangan mahuli ni Bosing para matuloy ang planong isakripisyo ang sariling anak para masave ang sanlibutan. Kelangan itong mangyari. Fate ni Hudas na maging hudas.

O sabihin na natin na gusto talaga niya ipagkalulong si Bosing niya. Hindi din naman natin masasabi dahil wala tayo sa katayuan niya di ba. Malay natin kung talaga gusto niya yung mga pilak na yun more than yung serbisyo niya kay Bosing. Pero kung sakali bang pinili niya na hindi ibenta si Bos, anong manyayari? Hahayaan na lang? Live peacefully? Hindi na masesave ang sanlibutan? Or gagawa ng way ang tadhana para masilaw ulit si Hudas para finally ipagkalulong na niya si Bosing niya?

Eto na yung part na magdidisclaimer ako. Hindi naman sa wala akong pananampalataya. Meron, actually. Pero hindi naman masamang magtanong di ba? Sa tingin ko part ng pagbibigay niya ng free will ay ang karapatan natin para maging curious. Hindi naman sa kinekwestiyon ko, gusto ko lang malinawan.

Paano nga ba pagsasamahin ang konsepto ng Faith at Fate?

Do I need to have faith in my fate?

communion.

hindi naman na bago sa atin ung tuwing magsisimba tayo e kumakain tayo ng hostiya pag oras na ng komunyon.

un ung banal na sandali (tm) na kung saan ung mga taong nagsimba e tatayo, pipila, magdadasal sa pila, maglalakad ng mabagal sa pila, magpapaypay etc etc, tapos pagdating sa dulo e ilalawit ang dila para malagyan ng pagkanipis na "tinapay" sa dila tapos lulunukin nila yon (dahil narinig din nila somewhere na kapag dumikit sa ngala ngala mo ung hostiya e hindi daw pinatawad ang kasalanan mo) tapos maglalakad sa gilid nung mga nakapila at magtataas ng kamay o kaya e tatagilid para magkasya ung katawan nila dun sa maliit na space sa pagitan ng mga taong nakapila at ung mga upuan.

e sanay naman na tayo jan. kaya siguro ung iba hindi na nagtataka pag yung mga ibang nagsisimba e hindi na nagbobother na tumayo at makipila at makikain ng hostiya. iniisip siguro nung mga nakapila e antatamad naman nung mga nakaupo.

pero alam nyo bang may isang matinding SOMETHING sa hindi pagkain ng hostiya? alam mo bang baka mas mauna pa sila sa langit kesa sayo!?!

yep. yari ka.

flashback....grade 6 ako sa marist school. titser ko pa sa homeroom ang napaka-cute na si Ms.Bonilla. napagusapan sa homeroom period ung kumonyon.

nagtatawanan pa kaming lahat dahil sabi nung bozo naming kaklase na umuulit ulit daw siya ng pagpila sa komunyon para maka-score ng hostiya.

tas sabi ni Ms.Bonilla masama daw yon. mauuna sa impyerno ang kaklase naming bozo.

kasi daw, dapat wala kang kasalanan pag nag komunyon ka. dapat ika'y puro at walang bahid ng pagkakasala. hindi pala pwedeng magkomunyon ka lang basta basta. dapat e taos puso ka daw munang humingi ng tawad at nagrepent.

dun nagsimula ang aking hostiyaphobia.

sa totoo lang e takot akong magcommunion. bakit kamo? pano naman kasi, sige kunwari, given na na nangumpisal ako bago magsimba. tapos edi kumpisalan na. may nakita akong nakakatawang panget na tao. at natawa ako bigla dahil subconciously e nalait ko pala siya. nagkasala na ba ako non? hindi na ba ako agad worthy mag communion? pag ba nag communion padin ako matapos kong magkasala ng ganun e mapapalapit ba ko sa pinto ng langit o sa nagliliyab na bunganga ng impyerno?

nakaka praning diba? =\

ang ginagawa ko na lang e habang nasa pila ko ng komunyon e nagsosorry na ko sa mga kasalanan ko tas ung mata ko e naka fix na lang sa mga kamay ko para hindi na ko magkasala pa bago mag communion.

iniisip mo siguro na edi wag na lang sana ko magkomunyon diba?

perooooooo.........ewan, ang sarap kasi ng pakiramdam na nakakapag communion. diba ung communion e parang wordplay sa phrase na to COMMUNE, meaning para makihalubilo, makisalo kumbaga. e diba dun naman nagmula un? nung nag last supper sina Jesus, diba yun naman ung communion? nung time ba na yon e pinag kumpisal ba ni Jesus ung mga disipolo nya bago nya pinakain at pinainom ng alak? hindi naman diba?

pinakain pa nga nya pati si HUDAS. na nung time na yon e malamang mamatay matay na sa guilt-trip dahil sa ilang minuto lang e ipagkakalulo na nya yung Boss nya na nagpapakain sa kanya nung time ng last supper.

all these rules and technicalities confuse and blind us.

baka hindi na natin nakikita ung talagang essence ng communion dahil sa kung ano anong laws at procedures na inaakala nating kelangan nating sundin. when in fact, ang prime purpose ng communion is to be one with our God, one with our community, and be at peace with ourselves. eto ung parte ng misa na pinakasagrado sabi nga, ung liturgy of the eucharist, so siguro dito talaga tayo dapat maging involved at makisali.

kasi kaya ka nga nagsisimba dahil makasalanan ka diba?

hindi ka naman magpapa-ospital kung wala kang sakit.....diba?