October 20, 2009

banal na sandali rap edition




this rap can be HEARD on the JOHN LLOY UMALI RADIO SHOW (JLURS)

http://johnlloyradioshow.blogspot.com/


heto nanaman ang boses na banal
dala sa inyo mensaheng imortal
wag kang magtaka, andito na ang bida
makinig ka muna pigilan na ang tawa

badtrip diba pag nawawalan ng pera
hanap ka nang hanap pero walang makita
mga aparador binuklat nang lahat
wala nang napala, dumami pa ang kalat


asar kang bumaba nang nagdadabogdabog
pagtingin mo sa mesa isa na lang ang hotdog
kumuha ka ng bahaw sa loob ng kusina
pagbalik mo ng lamesa, ulam mo'y nakain na


ngumiti si bunso at nakita mo ang subo
peborit mong hotdog nilapang nya ng buo
sa galit ay nasipa mo ang utol mong barako
kaso walang talab mas malaki sya sayo


tinawanan nya ang gigil mo at lalo kang nagalit
kaya hinataw mo ng plantsa nyong mainit
ayun naghihiyaw "ang sama sama mo kuya"
"hindi mo ba nakita? pinagluto pa kita."


puro ka bintang ansama mong nilalang
wag ka nang maasar, magrelax ka nalang
nakalimutan mo na ba na araw mo ngayon?
pinamalengke ni nanay ang sweldo mo kahapon
bumili na ng regalo, may pancit pa at adobo
eto nga palang sukli mo, happy birthday sayo


sana may natutun kang mabuting leksyon
pag nawalan ng pera tignan munang pantalon
wag kang magbibintang, hindi yun maganda
baka bertday mo ngayon, pinaghanda ka pala nila

No comments:

Post a Comment